February 10, 2021
KILOS-PROTESTA ng Pagkakaisa ng Manggagawa sa Transportasyon (PMT) - Caloocan chapter laban sa pangongotong ng mga Private Motor Vehicle Inspection Centers o PMVIC, na dagdag na pahirap sa mamamayan sa gitna ng pandemya at resesyon.
Maraming nawalan ng trabaho ang nauwi sa pagdedeliver at pamamasada. Makikipagsapalaran na lumabas sa gitna ng pandemyang COVID19. Marahil dahil mas mahirap mamatay sa gutom kaysa sa sakit. Subalit sa nahanap na simple't marangal na hanapbuhay, ang bibiktima naman sa kanila ay ang mga PMVIC ng LTO.
Labanan ang korapsyon! Manggagawa magkaisa. Ang laban ng isa ay laban ng lahat.
Photo credit: Felipe Domingo
(mula sa fb page ng BMP)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento