Sabado, Setyembre 24, 2011
Mensahe ng Pakikiisa sa Kongreso ng ZOTO
Miyerkules, Setyembre 21, 2011
On the creation of DOTC-DOE-DOJ task force: Government action or ploy?
ps - 092011 - Tagalog version
ps - 092011 - english version
Lunes, Setyembre 19, 2011
polyeto - Ipabasura ang VAT at Oil Deregulation Law
Manggagawa’t Mamamayan: Magkaisa, Kumilos
Ipabasura ang VAT at Oil Deregulation Law
Paulit-ulit ang problema ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa. Hindi maiiwasan na itutulak din nito pataas ang presyo ng batayang bilihin at serbisyo. Dagdag na naman itong pahirap sa dati nang kalunos-lunos na kalagayan ng mga manggagawa’t mamamayan.
Ano ang dahilan ng pagtaas?
Ang palagiang tinuturong dahilan ng mga kumpanya at maging ng pamahalaan ay ang patuloy ding pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigigang pamilihan. Isipekulasyon o ang manipulasyon ng presyo na ginagawa ng mga monopolyo sa industriya ng langis (International Oil Companies) ang tunay na sanhi ng sikad at pagpanatili ng mataas na presyo sa pandaigdigang pamilihan. Pilit na minamanipula ang presyo upang mapataas pa ang tubo o kita ng kanilang mga kumpanya.
Sa kasalukuyan, bumaba na ang presyo ng langis sa world market pagkatapos pumutok noong unang bahagi ng taon bunsod ng mga kaguluhan sa Middle East at North Africa. Ngayong September 16, 2011 ay $87.96 kada bariles na lamang ang presyo mula sa pinakamataas ngayong taon na $113.93 kada bariles (April 29, 2011).
Subalit, ang signipikanteng pagbaba ng presyo sa pandaigdigang pamilihan at maski ang paglakas ng ating Piso ay hindi sinasalamin ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa. Ika ng mga ordinaryong tao “mabilis sa pagtaas, hindi o mabagal magbaba”. Matagal na itong nangyayari. Nagpatong-patong na ang pagmamalabis. Maliwag ang pagmamalabis at pagsasamantala ng kumpanya ng langis sa manggagawa’t mamamayang Pilipino.
| Crude oil price (world market) | Foreign exchange (P-$) | Average local pump prices | |
Diesel/Liter | Gas/Liter | |||
January 7, 2011 | $88.03 | P43.84 | P38.75 | P49.00 |
April 29, 2011 | $113.93 | P43.21 | P48.60 | P56.95 |
September 16, 2011 | $87.96 | P43.31 | P44.00 | P56.45 |
Ano ang ginagawa ng pamahalaan?
Wala kaming magagawa. Yan ang kanilang palagiang tugon. Tinali daw ang kanilang mga kamay ng Oil Deregulation Law (ODL).
Hindi ito totoo! May magagawa sila kung interes ng mamamayan ang kanilang unang isasaalang-alang.
Una, sa loob ng batas (ODL) mismo ay may mekanismo para imbestigahan at aksyonan ang mga di-makatarungang pagtaas. Sa pamamagitan ito ng itinayong DOJ-DOE task force at sa loob lamang ng 30 araw ay dapat magkaroon ng resulta ang mga reklamo o report laban sa pagmamalabis ng mga kumpanya ng langis. Ikalawa, at mas mahalaga, kung ang ODL ang sagabal sa pagprotekta sa kapakanan ng masang Pilipino, dapat ay pinagaaralan na at ginagawa na ang pagbasura dito. Hindi mahirap na bumalik sa regulated na set-up sapagkat dati na itong ginawa.
Kamakailan ay nagpatawag si Pnoy ng dialogo sa mga transport groups para harapin ang malawakang reklamo sa kabila ng muling pagputok ng presyo ng mga produktong petrolyo. Samu’t saring problema ng iba’t ibang sub-sector ng transportasyon sa bansa ang inihapag at binigyang pansin subalit ang problema sa langis, na nakaaapekto sa buong sector at sa buong bayan, ay walang kongkretong resolusyon. Nanatili ang tindig ni Pnoy sa pagtaguyod ng deregulasyon ng industriya ng langis sa bansa at nangakong irereview ang batas para mas lalong pasiglahin ang kompetisyon.
Ang PMT ay hindi naniniwalang may reporma pa sa deregulasyon. Hindi kahit kalian mangyayari ang kompetisyon sapagkat kontrolado ng monoppolyo ang industriya sa bansa. Ang patakarang deregulasyon ay nagaalis lamang ng kontrol sa pagpepresyo ng mga produktong petrolyo na walang pagsasaalang-alang sa kapakanan ng manggagawa’t mamamayan. Ang patakarang deregulasyon ay nagsisilbi lamang upang mas lalo pang palakihin ng mga kumpanya ang kanilang kita o tubos. Ang deregulasyon ay pagtalikod ng pamahalaan sa responsibilidad niya sa taumbayan.
Maliwanag na sa 13 taon sa ilalim ng deregulasyon sumambulat ang presyo ng produktong petrolyo sa bansa. 400%-500% na ang itinaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa samantalang ang pinagbabatayan nilang presyo sa pandaigdigang merkado ay tumaas lamang ng 250%. Maliwang ang pagmamalabis na ginagawa ng mga kumpanya ng langis sa bansa. Nagagawa nila ito dahil protektado sila ng Oil Deregulation Law. Nagagawa nila ito dahil hindi kumikilos ang pamahalaan para sa kapakanan ng masa Pilipino at piniling magkubli sa likod ng Oil Deregulation Law. Nagagawa nila ito dahil sa sabwatan nila ng pamahalaan upang pagsamantalahan ang mamamayan sa pamamagitan ng 12% VAT sa mga produktong petrolyo.
Ano ang dapat gawin upang bigyan nga kagyat na kaluwagan ang masang Pipilino at resolbahin ang paulit-ulit na problema ng mataas na presyo ng lang sa bansa?
1. I-rolbak ang P9.00 ang produktong petrolyo.
2. Panagutin ang kumpanya ng langis sa kanilang pagmamalabis.
3. Alisin ang 12% value-added tax sa mga produktong petrolyo.
4. Ibasura ang Oil Deregulation Law.
Manggagawa’t mamamayan, magkaisa at kumilos upang igiit ang ating mga demanda.
Lumahok sa malawakang pambansang protesta Setyembre 19-30. (NCR, Malolos at Calumpit, Bulacan, Cabanatuan, Nueva Ecija, Antipolo, Cainta at Angono, Rizal, Baguio at La Trinidad, Benguet, Calamba, Laguna, GMA, Silang at Imus, Cavite, Lipa,Batangas, Bacolod at Silay, Negros Occidental, Cebu City at Lapu-lapu City, Cebu, Cagayan de Oro, Misamis Occidental, Ozamis, Misamis Oriental, Zamboanga City, Davao)
PAGKAKAISA NG MANGGAGAWA SA TRANSPORTASYON (PMT)